Maaring kayo ay napapatanong, Bakit nga ba ang isang tulad ko na binata ay nagsusulat imbes na gumawa ng mga iba't ibang gawain. Ako ay isang istudyante na gusto lamang magbigay ng payo at magbahagi ng aking mga kakaibang karanasan sa aking buhay na na-iisip kong makakapag bibigay sa atin ng aral. Ang nagbigay sa akin ng ideya upang gumawa ng ganitong bagay ay ang idolo kong si "Bob Ong". Masasabi kong siya ay isang mgaling na manunulat na nakakapagbigay ng impormasyon at inspirasyon hindi lamang sa mga bata kundi di rin sa mga matatanda. Sana'y makapag bigay din ako ng mga Impormasyon at Inspirasyon na makatutulong sa ating buhay.